
Karaniwang tawag o sulat sa PAWS:
“Maraming pusa sa bahay/ garahe/ garden/ bakuran/ condo/ office namin. Hindi namin sila pusa. Ano ang pwede naming gawin para mawala sila?”
Ang pusang gala (feral o wild cats o formerly-owned / dating may may-aring pusa) ay pumupunta lamang sa isang lugar na meron silang mapagkukunan ng pagkain.
IMPORTANT NOTE:
Pag kinuha o itinapon ang pusa sa ibang lugar, mapapalitan din ito ng mga bagong pusa na papasok sa inyong bahay/garahe/garden/ bakuran/ condo/ office dahil sa tinatawag na “holding capacity” .
ANO ANG “HOLDING CAPACITY”?
Ito ay ang pinagkukunan ng pagkain o tubig ng hayop – mapa-aso, pusa o daga – sa isang lugar. Maaaring may nagbibigay ng pagkain, o di kaya’y may naka-“expose” na basura na pinagkukunan ng pagkain.
Lahat ng lugar ay may sinusuportang hayop na nabubuhay sa mga tira-tirang pagkain. Lahat ng lugar ay may “holding capacity”. Sa mga malilinis at highly-commercialized establishments o lugar, mas maliit ang holding capacity kaya’t halos walang stray cat o pusang gala sa mga ito.
Ang mga komunidad na ito ay may mga “effective garbage-collection and keeping systems “ (epektibong pagkolekta ng basura) kaya’t hindi na halos pino-problema ang stray animals o galang hayop sa kanilang lugar. Sa maraming residential neghborhoods, hindi posible ang pag-liit ng “holding capacity” sa kadahilanang kahit maisaayos ng isang subdivision o barangay ang kanilang garbage collection o management system, hindi naman lagging naisasaayos ng kalapit-barangay ang problemang basura.
ANO ANG MABISANG PARAAN NANG MAISAAYOS ANG PROBLEMA Ang TNR o “Trap-Neuter-Return” ang pinakamabisang paraan ng pag-control ng populasyon ng mga pusa sa isang lugar. Dahil ang kapong pusa ay hindi na manganganak o makakabuntis, hindi na madadagdagan pa ang kasalukuyang bilang ng pusa sa isang lugar. Maging ang mga pusa sa kalapit-lugar ay hindi na rin papasok sa isang lugar na may mga kapon ng pusa.Ang mga kapong pusa ay pangangalagaan ang kanilang “source of food” at hindi nila papayagang may kaagaw sila dito. Kapag ang pusa ay hindi kapon at nanganak, i-si-ni-share o ibinabahagi nya ang pagkain sa mga anak nya kaya’t dumarami ang pusa sa isang lugar kapag hindi sila kapon.Kapag kapon lahat ng mga pusa sa isang lugar, hindi na rin mapapalitan ang mga pusang namatay na (maliban na lamang kung namatay na lahat ang pusa at merong mga papasok na bagong pusa na makikinabang sa “holding capacity” resources /tira-tirang pagkain ng isang lugar.)
SINO ANG KUMUKUHA SA GALANG HAYOP?Ang PAWS ay hindi kumukuha ng mga stray dogs o cats (galang aso o pusa). Ang City Pound o Animal Control ng Munisipyo ang gumagawa nito, ngunit hindi ito permanenteng solusyon. Ang pagkuha at pagpatay (“trap and kill” method) na ginagawa ng City Pounds ay paulit-ulit na nangyayari sa kadahilanang walang malakihang ‘spay/neuter (kapon) programs’ ang karamihan sa ating mga LGUs o Local Government Units.
ANO ANG PWEDE MONG GAWIN?Makipag-usap sa community leaders (bgy captain, subdivision president) tungkol sa TNR at makipag-coordinate sa isang lisensyadong beterinaryo na marunong magkapon sa inyong lugar na magbigay ng charity rate sa pagkapon ng community stray cats.Kung ang komunidad ay makikipag tulungan sa PAWS para sa TNR, may kaukulang kasunduan na:
1. Hindi ipapahuli sa City Pound ang mga nakapong pusa (sayang lamang ang pagkapon kung sila ay papatayin din)2. Ang buong komunidad ay magiging involved sa pagsunod sa guidelines ng TNR tulad ng:
- “humane trapping” (pag-trap na hindi nasasaktan ang mga na-trap na hayop)
- “managed feeding” (pagpapakain ng tira sa tamang oras at lugar lamang)
- “non-taming” of cats (ang di paghawak o paghipo o pag-amo sa mga pusang na TNR)
- information dissemination na lahat ng mga pusang may “ear-notches” o marka sa tenga ay mga TNRd cats na dapat pinapangalagaan ng komunidad.
- .. at iba pa.
Mag-email sa PAWS sa philpaws@yahoo.com o di kaya’y tumawag sa 475-1688 (Lunes hanggang Sabado lamang, 10am to 5pm) tungkol sa pagpapasimula ng Programang TNR sa inyong komunidad.
BE A RESPONSIBLE FEEDER / MAGING RESPONSABLE
"Pinakain ko lang ang isa o dalawang pusa sa bahay, ngayon dumami na sila at inirereklamo na kami ng kapitbahay namin ano ang gagawin ko?"
Ang pusang gala (feral o wild cats o formerly-owned / dating may may-ari) ay pumupunta lamang sa isang lugar na meron silang pagkukunan ng pagkain.
MAHALAGANG PAALALA:
Kung ikaw ay nagdesisyon na magpakain ng stray cats o mga pusang gala, importanteng ipakapon mo sila.
Kung hindi sila kapon, magbe-breed sila at dadami.
Maling pagmamalasakit ang pagpapakain sa galang pusa ng walang kaakibat na pagpapakapon
Kadalasan sa mga nagpapakain ng ligaw/gala o stray na pusa ay nape-persecute o nakakaaway at pinagtutulong-tulungan ng mga kapitbahay at komunidad, lalo na’t hindi pinapakita ng taga-pakain o “feeder” na sya ay “responsible feeder” o nagpapakapon at nagsisimula ng TNR effort sa kanilang komunidad.
ANG RESPONSIBLE “FEEDER”
Ang responsableng tagapag-pakain ng galang pusa ay inihahanda ang pag-trap ng pusa upang sila ay makapon sa lalong madaling panahon.
Makakahiram ng cat trap sa PAWS o di kaya’y sanayin na pinapakain ang pusa sa loob ng malaking cage para mas madaling isara at i-trap sila pag dumating ang panahon.
Nakikipag coordinate sa PAWS o ibang animal welfare group para sa TNR effort.
Ipinapaalam sa komunidad nya ang tungkol sa TNR at kung bakit ito mahalaga.
For flyer / brochure that can be downloaded, printed and disseminated in your neighborhood, barangay, schools, and homeowners association, please click on the following links:
PAWS TNR FLIER HALF BONDPAPER BACK TO BACK
PAWS TNR BROCHURE 3FOLD WHOLE BONDPAPER BACK TO BACK